𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗦𝗘𝗗 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗢𝗚𝗔

Pinapanawagan ngayon ng Health Authorities sa mga Barangay Officials sa mga lungsod at bayan sa lalawigan ang pagbabawal sana sa mga improvised paputok na boga lalo na sa mga bata.
Ikinababahala kasi ng Health Authorities ang pagdami ng mga batang nagpapaputok ng boga kahit pa malayo pa ang bagong taon.
Kadalasan ang mga batang nakikitang nagpapaputok ng naturang improvised firecrackers ay ang mga nasa edad trese pababa.

Hindi umano ito makakabuti sa mga bata lalo at paghahawak ng mga kemikal at mga matatalim na materyal ang ginagamit sa pagbuo at paggawa ng boga at malaki rin ang maaaring maging pinsala nito sa mga kalapit na mga residente.
Ang pagsasagawa ng mga bata ng mga ganitong klaseng pampa-ingay ay dahil kapalit umano ito ng mga fireracker na ipinagbabawal na ibenta sa mga tulad nilang menor de edad dahil sa lakas at maaaring maging pahamak ng pagsisindi ng mga malalaking paputok sa kanilang kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments