Pinag-iingat ngayon ng Department of Health Ilocos Region ang publiko kontra dengue at leptospirosis dahil sa nararanasang pagbaha dulot ng bagyo.
Ayon kay DOH CHD-1 Medical Officer IV Rheuel Bobis, nakita sa mga nakalipas na datos na may pagtaas sa kaso ng mga naturang sakit tuwing tag-ulan at nakararanas ng pagbaha ang rehiyon.
Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng kalinisan kung may exposure sa tubig baha o kontaminadong tubig lalo na kapag hindi maiwasan ang paglusong upang hindi ma leptospirosis, gayundin sa paglilinis ng kapaligiran upang masira ang breeding ground ng mga lamok na may dalang dengue.
Kaugnay nito, nakahanda ang fast lanes sa lahat ng ospital sa rehiyon upang agarang matugunan ang mga Nakararanas ng nabanggit na sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨