Mas tinututukan ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office ang mga laganap na kaso ng ilang sakit ngayong nararanasan sa lalawigan ang matinding init na panahon.
Ilan lamang sa mga talamak na maaaring makuhang sakit ngayong tag-init ay ang sore eyes, dengue fever, gastroenteritis, skin rashes at heat exhaustion at heat stroke.
Tiniyak ng tanggapan na nakaantabay ang health authorities sa Pangasinan sa mga maaaring maitalang kaso o mga naapektuhang Pangasinense ng mga nasabing heat-related illnesses.
Ayon kay Dra. Anna De Guzman, ang head ng PHO, mas pinag-iigiting ngayon ang pagmomonitor at surveillance sa mga ospital kaugnay dito.
Ilang mga makatutulong na hakbangin ang patuloy na pinaapaala upang maiwasang tamaan ng mga naturang sakit.
Samantala, isa ang lalawigan ng Pangasinan, particular ang lungsod ng Dagupan sa mga closely monitored areas ng PAGASA bilang patuloy na napapabilang ito sa mga lugar na kasama sa danger category dahil sa naitatalang heat index na kadalasang naglalaro sa 43 hanggang 47 degrees Celsius. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨