Ipinahayag ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 sa katauhan ni Technical Director Dennis Tactac na ₱1.13 billion na financial assistance ang ipapamahagi nila sa mga rice farmer sa Region 1, ngayong taon.
Bukod sa tulong pinansyal, ani Tactac ay tatanggap din ang mga magsasaka ng 342,462 packs ng rice seeds sa kanilang distribution program. Asahan din umano ng mga magsasaka ang pamimigay nila ng fuel subsidy ngunit paglilinaw niya na ang mga nakatakdang tumanggap nito ay mga hindi nakatanggap noong nakaraang taon.
Makakatanggap naman ang mga kooperatiba ng kagamitan tulad ng harvesters, tractors, pump at engine sets.
Dagdag ni Tactac ang patuloy na pagpapamudmod ng assistance at kagamitan ay hindi lamang sa pagpapalaki ng kita ng mga magsasaka kundi pati sa agriculture productivity na susi upang tumaas ang food sufficiency sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨