Nasa mahigit apat na raang (410) na mga grade school learners sa La Union ang sumailalim sa Vision screening na hatid ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region.
Ang naturang programa ay patuloy na isinasagawa ng kagawaran para sa pagtutok at agarang pagtukoy sa mga mag-aaral na may problema sa paningin.
Mga Grade 2 at Grade 3 students ang mga sumailalim sa naturang screening.
Ayon kay Regional Blindness Prevention Program Coordinator Francisco S. De Vera, Jr., mahalaga ang check-up sa mga mata ng mga mag aaral upang agarang matutukan kung sakaling may problema nang hindi maapektuhan ang kanilang development.
Sa ngayon, nasa higit isang libong school learners mula sa iba’t ibang paaralan sa La Union ang nahatiran at sumailalim na sa vision screening activity. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨