Tinanggap kamakailan ng mga magsasaka mula sa ikatlong distrito ng Pangasinan ang mga water pumps mula sa National Irrigation Administration- Pangasinan na ginanap sa Brgy. Nancapian bayan ng Malasiqui.
Sa datos umabot sa kabuuang 112 na water pumps ang naipamahagi sa mga magsasaka o irrigators association mula sa mga bayan ng Malasiqui, Bayambang, Mapandan, Calasiao, Sta. Barbara at lungsod ng San Carlos.
Ang naturang mga water pumps ang isa sa sagot ng pamahalaan upang maibsan ang kahirapan na nararanasan ng mga magsasaka ngayong panahon ng tagtuyot at sa lumalalang epekto ng El Nino kung saan ang kanilang mga sinasaka ay nakakaranas ngayon ng kakulangan sa tubig na siyang kailangan sa kanilang mga pananim.
Matatandaan na una nang nakapag-pamahagi ang NIA-Pangasinan ng mga water pumps sa mga magsasaka mula naman sa una at ikalawang Distrito ng probinsya.
Magpapatuloy pa ang distribuyon ng kagamitang ito upang makatulong sa kinakaharap na tagtuyot sa mga sakahan sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨