Nasa higit isang libo o 1,500 na mga kababaihan sa lungsod ng Dagupan ang benepisyaryo ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.
Ang bawat benepisyaryong nakasama sa naturang programa ay nakatanggap ng tig-dalawang libong piso na cash assistance o food subsidy kung saan maaari nila itong gamitin para sa kanilang mga pamilya.
Nito lamang November 2022 ay may nauna nang benepisyaryo ng programa kung saan napamahagian din ang mga ito ng tulong pinansyal mula sa DSWD.
Nasa isang libong mga solo parents din at nasa dalawang libo limang daan naman na tricycle drivers sa Dagupan City ang naging benepisyaryo rin ng AICS program nitong Agosto lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments