
Cauayan City – Umabot sa ₱3.2 milyon ang kabuuang halaga ng tulong pinansyal at pangkabuhayan na ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa 1,271 benepisyaryo sa bayan ng Dinapigue ngayong araw, ika-11 ng Pebrero.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang 132 scholars sa ilalim ng Isabela Provincial Scholarship Program, at 375 benepisyaryo ng Isabela Recovery Initiative to Support Enterprises (I-RISE). Mayroon ding 110 mangingisda na nabigyan ng life vests at lambat bilang suporta sa kanilang hanapbuhay.
Samantala, tumanggap ng buwanang ayuda sa bigas ang 282 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor tulad ng PWDs, solo parents, mangingisda, at Indigenous People Mandatory Representatives, kasama ang 209 community frontline workers gaya ng mga opisyal ng barangay, tanod, BHWs, at garbage collectors.
Binigyang-diin ni Vice Governor Kiko Dy na bahagi ito ng layunin ni Governor Rodito Albano na palakasin ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng programang “Buy Local,” kung saan bumibili ang pamahalaan ng palay mula sa mga magsasaka sa mas mataas na presyo, ipinapamill ito at ipinamamahagi bilang bigas sa mga benepisyaryo ng iba’t ibang programa.
Nagkaloob din ng tig-150 food packs ang LPGMA at tanggapan ng Vice Governor para sa mga residenteng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









