𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡

Nakinabang ang nasa higit isang libong inidibidwal sa bayan ng Bayambang sa unang araw ng paglulunsad ng Grand Medical Mission.

Nakapag avail ang nasa 1,016 na mga pasyente ng ibat ibang medical services gaya ng adult consultation, pedia consultation, dental, optical, at rehab.

Mayroon ding libreng serbisyo para sa radiology/ultrasound, ECG, laboratory, referrals, minor surgery, at major surgery.

Nasa higit dalawang daan na mga medical personnel ang nagtulungan kung saan miyembro ang mga ito ng Philippine Medical Society of Northern California.

Kasama rin ang ilang espesyalista mula pa sa iba’t ibang parte ng Estados Unidos ang dumating para magsagawa rin ng libreng serbisyong medikal.

Samantala, magtatagal ang isinasagawang grand medical mission sa bayan hanggang January 19, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments