𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟰𝗞 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗠𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔

Nasabat ang 3,929 na armas sa Pangasinan sa pinaigting na kampanya ng kontra loose firearms at bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon sa probinsya.

Itinurn over ng Pangasinan Police Provincial Office ang mga armas sa Regional Civil Security Unit sa pangunguna ni Police Regional Office 1, Regional Director PBGEN Lou Evangelista.

Dadaan sa balidasyon ang mga armas bago ilipat sa Camp Crame.

Karamihan sa mga nakumpiskang armas ay walang lisensya o paso na ang lisensya.

Nilinaw naman ni Pangasinan PPO Provincial Director PCOL Rollyfer Capoquian na tinatawag na deposited firearm ang armas na may expired na lisensya ngunit maari pang tubusin ng may-ari sa renewal ng lisensya, habang surrendered naman ang tawag sa mga armas na wala ng intensyong tubusin ng may-ari.

Hinihikayat ng pulisya ang mga gun owners na irenew ang lisensya sa mga isinasagawang One Stop Shop at License to Operate and Possess Firearm Caravan nang hindi makasuhan sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Nakatakdang isagawa sa bayan ng San Quintin ang License to Operate and Possess Firearm Caravan sa November 21 at 22.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments