Umabot na sa 898 na indibidwal ang naitalang lumabag sa Provincial Ordinance 325-2024, o ang mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Police Provincial Office.
Inihayag ni PNP, PIO – PCapt. Renan Dela Cruz na fully implemented na ang naturang ordinansa.
Aniya, nasa 782 na driver ng single motor, 94 na driver ng tricycle, 18 kolong-kolong at 4 na ebike drivers ang nasita ng kapulisan.
Paglilinaw ni PCapt. Dela Cruz, na karamihan sa kanilang mga nasita ay nakatanggap na muna ng warning.
Inaasahan na magmumulta ng PHP 1,000 para sa second offense, PHP 2,000 sa third offense, samantalang PHP 5,000 o pagkakakulong ng hindi lalagpas ng isang taon, para sa fourth offense ang taong lalabag sa ordinansa.
Patuloy ang pagpapaalala ng hanay ng kapulisan na sumunod sa naturang ordinansa upang maiwasan o mabawasan ang mga naitatalang aksidente sa dis oras ng gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨