Naitala ang nasa animnapung milyong pisong halaga ng danyos sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Pangasinan bunsod pa rin ng epektong nararanasan dulot ng El Niño Phenomenon.
Ayon sa datos ng Department of Agriculture Region 1, pangalawa ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamataas na naitalang pinsala sa buong Ilocos Region kung saan umabot na ito PHP 61.8M.
PHP 80.5M ang naitalang danyos sa Ilocos Norte, PHP 5.5M ang Ilocos Sur at PHP 4M naman sa La Union.
Apektado higit PHP 34M na corn production sa Pangasinan habang nasa higit PHP 27M naman ang rice production.
Sa kabuuan, nakapagtala ang DA-R1 ng nasa PHP 152M na pinsala sa kalakhang Ilocos Region, katumbas nito ang nasa higit tatlong libong mga ektaryang sakahan na naapektuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨