Umabot sa P2, 848,047.09 ang kabuuang delinquency o halaga mula sa paglabag ng mga establisyimento ngayong Disyembre ayon sa SSS Urdaneta City Branch.
Ayon kay SSS City Branch Head Christopher Servas, apektado ang 472 na empleyado dahil sa pagkukulang ng kanilang employers na may paglabag sa non-registration at non-remittance.
Dagdag ng opisyal, pinaigting ng tanggapan ang pagsasagawa ng Run Against Contribution Evaders (RACE) Campaign upang tutukan ang mga establisyemento tulad ng household employer, private establishment at OFWs na may isa o aabot sa sampung empleyado.
Tiniyak ng tanggapan na mas paiigtingin pa ang pagsasagawa ng kampanya sa susunod na taon upang mas marami pang empleyado ang matulungan na mabigyan ng benepisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments