𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟴𝟳𝟭𝗞, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔-𝗜𝗥𝗘𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝟭𝟮 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Umabot na sa higit 871K ang hindi na-iremit na kontribusyon ng mga empleyado sa Social Security System o SSS ng labing dalawang employers sa La union.

Nagsagawa ng Run Against Contribution Evaders o RACE Campaign ang SSS kung saan binisita ang mga naturang establisyimento upang malaman ang hindi pagreremit ng mga ito ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Apektado ang 62 empleyado sa kontribusyon na dapat umano ay naihulog sa kanilang SSS account para sa kaukulang benepisyo.

Binigyan ng pagkakataon ang mga employers na mabayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado upang hindi makasuhan ang mga ito.

Nagpapatuloy ang RACE Campaign ng SSS sa lalawigan upang masigurong naibibigay sa mga empleyado ang mga nararapat na benepisyo sa SSS na nagmumula sa kanilang buwanang kontribusyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments