𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟬𝟬𝟬 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘-𝗘𝗠𝗣𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗘𝗩𝗔𝗖𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Cauayan City – Higit 1000 pamilya mula sa iba’t-ibang bayan sa Cagayan ang sumailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa banta ng Bagyong “Leon”.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 1,238 na pamilya na binubuo ng 3,247 na indibidwal mula sa 35 barangay sa bayan ng Baggao, habang 42 pamilya naman mula sa 3 barangay sa Sta. Teresita ang inilikas bilang pag-iingat sa posibleng maging epekto ng bagyo.

Ang mga barangay kung saan nakatira ang mga evacuees ay ang mga lugar na madalas makapagtala ng pagbaha at pagguho ng lupa kapag panahon ng sakuna.


Samantala bilang paghahanda, nakaalerto na rin ang lahat ng rescuers at local authorities mula sa iba’t-ibang bayan sa Cagayan maging ang kanilang rescue equipments na gagamitin sakali man na kailanganin nilang rumesponde sa posibleng paghagupit ni bagyong Leon.

Maliban dito, kasalukuyan din ang ginagawang pamamahagi ng ilang mga LGU’s ng ready to eat meals at Family food packs sa mga residenteng inilikas.

Facebook Comments