𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟴𝗞 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘𝗦, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Nasa higit labinwalong libong mga Pangasinense ang nakinabang sa programa ng Department of Labor and Employment o DOLE na Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers o TUPAD.

Nabigyan ang mga nasabing benepisyaryo ng sampung araw na pagtatrabaho at bilang kapalit ay nakatanggap ang mga ito ng kanilang cash payout.

Kabilang sa mga napamahagian ang mga residente mula sa Dagupan City sa 2, 170 beneficiaries, Urdaneta City na may 4, 870 at Lingayen na may 11, 795 na mga benepisyaryo ng naturang programa.

Kasunod ito ng naganap na Labor Day Job Fair sa mga nasabing lugar na sa pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan ng mga lungsod at bayan sa tanggapan ng DOLE Region 1 may layong mabebenepisyuhan ang libo-libong mga Pangasinenseng nangangailangan ng assistance. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments