𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟴𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Timbog sa buy-bust operation ng awtoridad ang isang 38 anyos na lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Brgy. Longos, San Fabian, Pangasinan.

Nakumpiska sa suspek ang 20 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P136, 000. Samantala, arestado naman ang isang pintor matapos mahulihan hinihinalang shabu sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad sa Brgy. Camantiles, Urdaneta City, Pangasinan.

Ang suspek ay edad 42 anyos. Nakumpiska sa suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang walong gramo na nagkakahalaga ng P54, 400.

Pawang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments