𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝗞 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝟭

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Day of Remembrance para sa Road Traffic Victims noong buwan ng Nobyembre, inilabas ng pamunuan ng Police Regional Office 1 ang naitalang bilang ng kaso ng disgrasya mula apat na lalawigan sa rehiyon uno.
Base sa datos ng PRO1, mula Enero hanggang ika-16 ng buwan ng Nobyembre may kabuuang 2,586 na kaso ng disgrasya sa kalsada kung saan pinakamarami ang naitalang kaso sa lalawigan ng Pangasinan na may 1,494, sinundan ng La Union na nakapagtala ng 623, Ilocos Sur may 326 na kaso at Ilocos Norte ay may 143 kaso.
Nakapagtala ang PRO1 Crime Incident Reporting and Analysis System (CIRAS) ng 912 na kaso ng mga walang ingat sa pagmamaneho, na sinundan ng maling kalkulasyon sa pagmamaneho, sobrang bilis, at iba.

Dagdag pa ni Sumawang, nakapagtala ang CIRAS ng 334 na pagkamatay dahil sa mga aksidente sa kalsada at 1,733 ang mga nasugatan.
Dahil sa mga kaso ng aksidente patuloy sa paalala ang mga awtoridad na palaging mag-ingat sa pagmamaneho at huwag nang tangkaing magmaneho kung hindi kaya ng katawan maging kung ang driver ang nakainom para iwas disgrasya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments