๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก

Nasa 233 na siklista mula sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan ang nakilahok sa nagbabalik na cycling event na Werweran Ed Mangaldan.

Binubuo ito ng mga amateur at professional cyclists sa iba’t-ibang age group at category gamit ang road bike at mountain bike race. Nagsimula ang karera mula sa Mangaldan Municipal Hall grounds hanggang Rosario, La Union.

Nagpahayag naman ang lokal na pamahalaan ng hangarin nitong isagawa ang cycling event taon-taon bilang aktibidad sa kalusugan at para maiwasan ang mga bisyo sa mga kabataan.

Tumanggap ng cash prize, trophies at medalya ang mga hinirang na nanalo hanggang ika-sampung pwesto sa iba’t-ibang kategorya. |๐’Š๐’‡๐’Ž๐’๐’†๐’˜๐’”

Facebook Comments