𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝟮 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Pumalo sa 32.1 milyon pisong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng Police Regional Office 1, ngayong buwan ng Setyembre.

Ayon kay PRO 1 Information Officer Lt. Col. Benigno Sumawang, 91 suspek ang kanilang nahuli ng mga ito sa kanilang 82 operasyon.

Matatandaan, na natimbog kamakailan ang isang lider ng drug group sa bayan ng Bayambang, kung saan nasa 5.8 milyong pisong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska. Kabilang na rin dito ang nahuling empleyado ng munisipyo sa Sta. Barbara.

Ilan pa sa malalaking operasyon ng PRO 1 ay sa Sugpon Ilocos Sur, kung saan higit nasa 4.1 milyong pisong marijuana plants at seedlings ang sinira at sinunog

Samantala, mahigpit ngayon ang isinasagawang checkpoint ng pulisya sa rehiyon sa kabila ng COC Filing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments