𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟰𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔

Mahigit 40,000 na displaced workers mula sa Tourism Sector ng Ilocos Region ang nakatanggap na ng 5, 000 pesos na ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon kay Ilocos Region Tourism Director Joseph Francisco Ortega, umabot sa 48, 012 na manggagawa sa rehiyon ang inendorso sa Department of Labor and Employment o DOLE ngunit tanging 40, 076 lamang ang aprubado at ang natitirang 7, 936 na manggagawa ay hinihintay lamang na maaprubahan. Mula sa 40, 076, na benepisyaryo, 4, 034 ang mula sa Ilocos Norte, 3, 027 Ilocos Sur, 5, 265 sa La Union at 27, 750 sa lalawigan ng Pangasinan.

Umabot sa 200.38 milyon ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa buong rehiyon. Sinabi ni Ortega, na muling humiling ang kanilang ahensya sa DOLE upang mabigyan ng karagdagang pondo nang mabigyan muli ang mga ito ng ayuda dahil pa rin sa nararanasang COVID-19 pandemic.


Samantala, pinaplano na ng ahensya ang balak na pagbabakuna para sa mga manggagawa ng sektor ng turismo para sa pagbubukas ng mga tourism sites sa rehiyon.

Facebook Comments