𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟰𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨; 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Sa kakatapos lamang na mga malalaking kaganapan gaya na lamang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon, dinagsa ng libu-libong turista ang isa sa mga dinarayong lugar sa Pangasinan partikular ang Alaminos City.

Sa datos ng LGU Alaminos City, pumalo sa kabuuang 438,619 na mga turista ang naitala noong taong 2023 kung saan sinabi ni City Tourism Officer, Miguel Sison sa kabuuang bilang, 289,413 ang domestic tourists habang nasa 140,970 ang lokal na turista at ang iba naman ay mga banyang turista.

Ayon pa kay Sison na mas mataas ang tourist arrivals noong 2023 kumpara sa parehong panahon noong 2022 na nasa 389,006 na turista ang naitala.

Dahil sa pagdami ng mga turista ay matapos luwagan ang mga travel restrictions ukol sa pandemya kung kaya’t nakapagtala din ang LGU ng nasa humigit-kumulang ₱44 milyon na income kumpara sa ₱33.3 milyong kita noong 2022.

Samantala, ilan lamang sa madalas na bisitahin ang Hundred Islands National Park sa Lucap Wharp, Pilgrimage Island, Mangrove Park at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments