Nasa 469 Public Utility Jeepney Drivers sa Pangasinan ang naitalang nakapagtapos sa ilalim ng taunang programa ng TESDA at Department of Transportation na Tsuper Iskolar Program.
Ayon kay Ronald Sta. Ana, Supervising TESDA Specialist sa lalawigan, ang naturang programa ay naglalayon na suportahan ang transport sector partikular habang umuugong ang implementasyon ng public transportation modernization ng gobyerno.
Pagbabahagi ni Sta. Ana, ang bawat driver ay nakatanggap ng allowance na nagkakahalaga ng β±12,500 sa loob ng 35 days.
Ang mga PUJ Drivers ay sumailalim sa skills training tulad ng Bread and Pastry, Computer System Servicing, Electrical Installation and Maintenance, Masonry, Tile Setting,at Welding na naganap sa iba-ibang Technical Vocational institutions sa Pangasinan. |πππ’π£ππ¬π¨