Nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ng higit limang libong kaso ng gastroenteritis sa lalawigan ngayong taon.
Ayon sa datos ng tanggapan, kabuuang limang libo, pitong daan at animnapu’t-lima (5, 765) ang bilang ng kaso ng sakit mula January hanggang nito lamang August 5, sa kasalukuyang taon.
Mataas din ang naitala ngayon kumpara sa bilang ng kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon na nasa apat na libo, anim na raan at tatlumpu’t-dalawa (4, 632) lamang.
Apat na bayan at isang syudad o kinabibilangan ng Bayambang, Lingayen, Binmaley, Calasiao at lungsod ng San Carlos ang na ilalim ng PHO watchlist dahil sa nananatiling taas ng kaso nito.
Nanawagan ang health authorities sa publiko na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at tiyaking malinis at hindi kontaminado ang iniinom na tubig at pagkain upang maiwasan ang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨