𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝗞 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡

Natanggap na ng mga senior citizens sa lungsod ng Dagupan ang kanilang Social Pension para sa ikatlong kwarter ng taon.

Kabuuang limang libo, limang daan at pitumpo’t-anim (5, 576) na mga seniors ang nakatanggap ng tig-tatlong libong piso sa ilalim ng nasabing payout. Ito ay alinsunod sa ‘Expanded Senior Citizens Act of 2010’ ng gobyerno na may layong matulungan ang mga matatanda pagdating sa kanilang pangangailangan tulad ng pangmaintenance o pambili ng gamot.

Target ng LGU Dagupan na mas maparami pa ang mga benepisyaryo ng Social Pension mula sa tatlumpo’t-isang barangay sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments