Ipinamahagi sa mga grupo ng magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang higit animnapung mga water pumps mula sa tanggapan ng kongresista sa ikaapat na distrito ng lalawigan katuwang ang National Irrigation Administration Region 1.
Mula ang mga benepisyaryo sa 4th District ng PANGASINAN o mga magsasakang mula sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Manaoag at Dagupan City.
Layon nitong matulungan ang mga magsasaka sa distrito maging ang sektor ng agrikultura upang mas mapalakas pa ang kabuuang industry nito sa lalawigan.
Samantala, kabilang ang mga napamahagian sa sumailalim ng balidasyon na tumutukoy sa mga naaapektuhan ng umiiral na epekto ng el niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments