𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟳𝗞 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗡𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗢𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Boluntaryong isinuko sa awtoridad ang  P 7, 140 ang halaga ng ipinagbabawal na paputok sa bayan ng Agno, Pangasinan.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay P.Cpl. Rushlie Gabriel, imbestigador ng inspection sa mga pamilihan ng paputok sa nasabing bayan ay boluntaryong dinala ng mga vendors sa himpilan ng pulisya ang mga maliliit na paputok gaya ng Five Star na 45 packs at kabuuang nasa 4, 500 na piraso at 177 piraso ng Pop-pop kung saan ang mga paputok na ito ay kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok na inilabas ng PNP.

Dahil sa kanilang boluntaryong pagsuko sa awtoridad, pumirma ang nasa limang mga nagtitinda ng affidavit of voluntarily surrendered of the prohibited firecrackers.

Kasama ng PNP Agno ang mga kawani naman ng BFP sa bayan sa isinagawang inspeksyon sa mga pamilihan ng paputok sa designated area na malapit sa Agno Public Market.

Samantala, bukod sa isinagawang inspeksyon, namahagi ang mga kawani ng PNP at BFP ng mga flyers sa mga nagtitinda na naglalaman ng listahan ng mga iligal at maaaring ibentang paputok.

Paalala ng opisyal na ibenta lamang ang mga licensed na paputok at upang hindi na mapatawan ng kaukulang parusa.

Layunin ng inspeksyong ito ay upang ipaalala sa publiko at mga nagtitinda na siguruhing maiselebra ang pagsalubong sa bagong taon ng matiwasay at ligtas ng okasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments