𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗜𝗟𝗜𝗢 𝗔𝗚𝗨𝗜𝗡𝗔𝗟𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟭𝟴𝟵𝟵, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Pinasinayaan ng National Historical Commission of the Philippines ang historical marker sa bayan ng Sta. Barbara.

Ang naturang historical marker o Pambansang Makasaysayang Pananda sa Landas ng Pagkabansang Pilipino na inilagak sa bayan ay tanda ng pagdaan ni Dating Pangulo Emilio Aguinaldo kung saan dito niya tinipon ang pwersa mula sa hukbo nina Lt. Jose Joven at Heneral Gregorio Del Pilar upang ipaglaban ang kalayaan ng bansa.

Kasabay ng aktibidad ang pagdiriwang ng ika-283 Agew na Sta. Barbara noong October 30.

Pinangunahan ni NHCP Executive Director Carminada Arevalo at ng lokal na pamahalaan ang pagpapasinaya kung saan naging bahagi ng programa ang paglagda sa katibayan sa paglilipat ng heritage marker mula sa NHCP sa pangangalaga ng bayan ng Sta. Barbara.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments