𝗛𝗢𝗠𝗘𝗠𝗔𝗗𝗘 𝗦𝗛𝗢𝗧 𝗚𝗨𝗡 𝗔𝗧 𝗘𝗫𝗣𝗟𝗢𝗦𝗜𝗩𝗘 𝗗𝗘𝗩𝗜𝗖𝗘, 𝗡𝗔𝗥𝗘𝗞𝗢𝗕𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗗𝗔𝗗

Nagulat ang construction worker na si Dominador Viernes matapos nitong makita sa bakuran ng kanilang bahay ang isang 12 GA homemade shotgun sumpak habang nagsisiga ng kahoy sa Brgy. Calabogan, Natividad.

Agad namang naisangguni sa awtoridad ang naturang armas. Sa kasalukuyan ay hindi pa natukoy ang nag-iwan o may-ari ng armas sa natagpuang lugar.

Dagdag pa rito, isa namang explosive device ang itinawag ng isang junk shop attendant na si John Sotelo mula sa Brgy. Poblacion.

Natukoy na high explosive 76mm projectile ang naturang armas at agad na itinawag sa EOD K9 Unit ng Eastern Pangasinan upang mapasakamay sa mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments