π—œπ—•π—”’𝗧-π—œπ—•π—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—’π—¬π—˜π—žπ—§π—’ π—‘π—š 𝗗𝗣π—ͺ𝗛 𝟭 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, 𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 𝗑𝗔

Ilang mga proyektong natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 1 ngayong 2023 ibinida.

Sa pangunguna ni Pangasinan Third District Engineering Office (DEO) Engineer Maria Venus S. Torio, katuwang ang buong ahensya, naisakatuparan ang mga planong maisaayos at maipagawa ang mga istrukturang mapapakinabangan ng bawat pangasinense.

Kabilang sa mga proyektong ibinida ng ahensya ang natapos na flood control structure ng Viray River, sa may bahagi ng Barangay Batchelor East, Natividad. Ang naturang proyekto ay naglalayon na maibsan ang mga posibleng epekto sa pagbabaha ng naturang ilog.

Karagdagang proyektong iniulat pa ng ahensya ay ang two asphalt projects sa may bahagi ng Urdaneta City at Pozzorubio, na naglayon namang mapaganda ang kakalsadahan sa ilang bahagi ng naturang mga bayan.

Samantala, ang mga bagong multi-purpose buildings naman sa San Nicolas, ay inaasahang magdadala ng kaginhawaan sa komunindad at mga residente ng bayan. Gayundin, para sa mga Mababang Paaralan ng San Jose, San Rafael at Sta. Maria.

Ang mga naturang proyekto ay pagpapakita na ang mga buwis na binabayaran ng sambayanan ay may pinatutunguhan. Ani Engr. Torio, ang mga proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of 2023. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments