Sunod-sunod nang isinasagawa ang iba pang nakabinbin na flood mitigation program sa Dagupan City bilang inisyatibo ng lokal na pamahalaan upang maibsan ang pagbaha sa lungsod.
Inisyatibo rin ito para sa mas maayos na kalsadang dadaanan ng mga motorista lalo at pumasok na ang panahon ng tag-ulan.
Nito lamang ay nagkaroon ng inspeksyon sa upgrading ng PCC pavement at drainage system project sa bahagi ng Calarin Rd Brgy. Malued to old de Venecia Intersection – Lucao, at sa Tranquillino-Siapno Road, Malued.
Nasa P16.5 Million ang halaga ng naturang proyekto ay kung saan bahagi nf Flood Mitigation Program ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments