Isinagawa ang ikalawang State of the Municipality Address o SOMA ni Binmaley Mayor Pedro Merrera III sa Binmaley Evacuation Center kahapon.
Tinalakay ng alkalde ang hakbangin nito upang mapataas ang antas ng kabuhayan ng mga residente.
Ayon sa alkalde, nais pang gawing komprehensibo ang revenue generation plan ng bayan bukod sa nauna nitong hakbang na mangolekta ng buwis sa bawat barangay at pagrebisa sa Revenue Code ng Binmaley.
Dahil umano dito, napaangat pa ang ekonomiya ng Binmaley na pinagkukunan ng pondo para sa ibang proyekto sa sektor ng agrikultura, kalusugan, seguridad, edukasyon at turismo.
Ibinahagi rin ng alkalde ang pagtatapos ng Phase 1 ng Solar Lights Projects sa kahabaan ng Pallas-Papagueyan Highway at construction ng ilang barangay roads.
Kasabay ng SOMA isinagawa rin ang distribusyon ng limang libong piso na assistance para sa mga municipal scholars.
Bigyang diin ni Merrera sa kaniyang SOMA ang kahalagahan ng transparency sa kanyang administrasyon na magiging daan umano sa tamang serbisyo publiko. |πππ’π£ππ¬π¨