Muling mararamdaman ng mga motorista ang taas presyo ng mga gasolina nitong darating na Martes ika-6 ang Pebrero ayon sa mga oil companies.
Sa monitoring, ito na ang ikalimang linggo ng taas presyo sa mga petrolyo kung saan inaasahan na ang umento ngayon ng gasolina ay nasa ₱0.50-₱0.90 kada litro, malaki naman ang umento sa Diesel na nasa ₱1.20-P1.60 kada litro habang ₱0.60-₱1.00 naman sa Kerosene.
Ang mga umentong ito ay pagbabasehan lamang kung saan nakadepende pa rin sa iba’t ibang mga kumpanya kung ilan ang ipapatong ng mga ito sa presyo ng gasoline.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa mga motorista, ay wala naman daw silang magagawa sa taas presyo ng gasoline dahil alam naman nila na may mga bansa na pinagkukunan ng mga gasoline na nakakaranas ng mga gulo kaya’t ang iba patay malisya nalang sa taas ng gasolina.
Umaasa nalang ibang mga pumapasada ng jeep sa Lungsod ng Dagupan na sana mas marami ang sumakay sa mga pinapasada nilang sasakyan upang makabawi man lang sa taas ng gasolina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨