𝗜𝗞𝗔-𝟳𝟵 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗚𝗨𝗟𝗙 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚, 𝗚𝗜𝗡𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔

Ginunita ang ika-79 na anibersaryo ang Gulf Landing sa bayan ng Lingayen at lungsod ng Dagupan, nitong ika-9 ng Enero.

Sa bayan ng Lingayen, nagsagawa ng misa ang mga dumalo bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga taong nakipaglaban noong ikalawang digmaang pandaigdig. Kasabay ng naturang paggunita ang pagkilala sa mga beteranong nakipaglaban at nag-alay ng kanilang buhay sa naturang digmaan, sa ika-17 taong selebrasyon ng Pangasinan Veteran’s Day.

Ang naturang programa sa bayan ng Lingayen, ay dinaluhan ng mga iba’t-ibang kawani ng sangay ng panlalawigang pamahalaan maging ng mga beterano at mga pamilya nila.

Samantala, sa lungsod naman ng Dagupan, ginunita ang nasabing makasaysayang pangyayari sa may marker ng pinagdaungan diumano ng tropa ni General Douglas MacArthur, sa bahagi ng Bonuan Blue Beach.

Ang pagdiriwang sa naturang lungsod ay dinaluhan din ng ilang mga beterano at mga kawani ng lungsod, kung saan sila’y nag-alay ng bulaklak sa naturang marker at inalala ang mga nagsipagbuwis ng buhay alang-alang sa bayan.

Ang paggunita ng makasaysayang pangyayaring ito ay simbolo na may magandang bukas na paparating na maaaring panghawakan ng bawat isa, hango sa salitang “I Shall Return” ni General McArthur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments