𝗜𝗞𝗔-𝟵𝟳 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗨𝗣-𝗨𝗣 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Cauayan City – Muling ikinasa ng Philippine Airforce Tactical Operations Group 2 ang kanilang ika-97 Episode ng Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran Cagayan Valley.

Nagsilbing resource speaker ang Officer In charge at Regional Director ng Department of Human Settlement and Urban Development Region 2 o DHSUD na si Grace De Vera, kasama rin ang kawani ng National Housing Authority.

Ibinahagi ng DHSUD Region 2 ang kanilang programang 4PH o ang Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino, isa sa mga inilunsad na proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong matugunan ang 6.5 na milyong kakulangan ng bahay sa buong bansa.


Ipinagmalaki naman ni RD De Vera na ang lalawigan ng Isabela ang isa sa may pinakamaraming 4H projects sa buong bansa, kabilang na ang nasa bayan ng Jones, Bayan ng Gamu, bayan ng Roxas, at lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments