Nakitaan ng pagtaas sa presyo ang ilang agri-products sa unang mga buwan pa lamang ng taong 2024.
Nasa dalawampu’t isa (21) sa kabuuang tatlumpu’t-apat (34) na pang-agrikulturang produkto ang nagtaas batay na rin sa datos mula mismo sa gobyerno.
Kinabibilangan ito ng pangunahing bilihin na bigas, baka, kamatis, maging bawang at kalamansi.
May pagbaba naman sa presyo noong unang buwan ang mga produktong sibuyas, asukal, mantika at iba pa.
Sa kasalukuyan, bahagya nang bumaba simula noong buwan ng Pebrero ang presyuhan ng bigas sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Nasa 46 to 47 pesos na ang pinakamababang presyo na maaaring mabili ng mga Pangasinense na per kilo nito, mababa kumpara sa presyuhan noong buwan ng Enero.
Samantala, asahan na mas mababa pa ang magiging presyo nito simula ngayong buwan ng Marso dahil sa peak harvest season ng mga palay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨