𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗧𝗛𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Nakaranas ang ilang bahagi ng Pangasinan ng mga pag-uulan .

Base sa inilabas na Thunderstorm Advisory ng DOST-PAGASA, kasabay na pag-uulan ang pagkidlat at malakas na hangin na maaaring magtagal ng isa hanggang dalawang oras.

Ilan sa mga nakaranas ng localized thunderstorms ay mga bayan ng Mangatarem, Bugallon, Aguilar, Sual, Labrador, at Mabini.

Samantala, sa kabila ng mga pag-uulan ay nasa 45°C ang pagtataya ng heat index sa Pangasinan ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments