Idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Office 1 (BFAR) ang pagiging red tide free ng ilang mga bayan sa Western Pangasinan, noong December 18, 2023.
Base sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 29, Series of 2023 ng tanggapan, kabilang sa mga idineklara ang mariculture areas sa bayan ng Infanta at ng mga baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual, at Bani, sa Pangasinan.
Ibig sabihin, ang lahat ng Shellfish o Alamang ay ligtas para sa konsumpsyon ng mga konsyumer o mamimili.
Kasama rin sa inilabas na abiso ng tanggapan ang mga bayan ng Rosario at Sto. Tomas sa La Union.
Gayunpaman, isang ginhawa ito para sa mga nagmamay-ari ng may ganitong negosyo dahil patuloy silang makapag-aangkat ng kanilang mga ibinebenta sa iba’t-ibang pamilihan sa lalawigan at sa mga karatig nito, lalo na at paparating na ang holiday season.
Samantala, regular na minomonitor ng tanggapan ng BFAR 1 ang kalagayan ng mga mariculture areas at mga baybayin sa mga lalawigan sa Ilocos Region para sa ligtas na konsumpsyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨