𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝟰𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗣𝗜𝗟𝗜𝗜𝗡 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗞𝗘𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔

Mas pipiliin pa rin umano ng ilang benepisyaryo ng 4Ps sa lalawigan ng Pangasinan ang pera bilang kanilang matatanggap na ayuda kaysa sa bigas.

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps mula sa ilang island barangay sa Dagupan City, mas nais umano ang pinansyal na tulong bilang marami na ring ang gastusin ngayon.

Sa suhestyon naman na ito ng Department of Agriculture, inihayag nila na layon naman ng naturang pagpapalit ng bigas bilang ayuda sa mga 4Ps ay para makatulong sa pagpapababa ng inflation sa bansa pati pagbaba sa presyo ng bigas.

Makakatulong rin umano ito para sa ating mga magsasaka.

Sa ngayon, marami pa ring benepisyaryo ng 4Ps sa bansa ang hindi sang-ayon sa naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments