𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜-𝗨𝗪𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗚-𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞

Habang maaga pa, unti unti nang nagsisipag balik sa kani-kanilang mga trabaho sa ibang lugar ang ilan sa mga Pangasinenseng nagsipag-uwian nitong holiday season.

Ang iba sa kanila umuwi noong pang pasko at sinulit ang bakasyon hangang unang araw ng taong 2024 habang ang ilan, planado at naka-book na umano ng ticket ng kanilang byahe para iwas siksikan sa pila ng iba pang kasabay nilang babyahe.

Inaasahan na rin ng mga bus terminals ang maaring pagdagsa ng mga byahero lalo na sa madaling araw dahil madalas itong piliing oras ng mga byahero para umuwi.

Handa rin naman na umano ang mga bus terminals sa mga dapat na gawin kung sakali man na dagsain na ang kanilang mga terminal nang sa gayon ay maiwasan ang iba pang aberya at mga aksidente.

Samantala, nakaantabay rin ang hanay ng kapulisan sa seguridad at kaligtasan ng mga byaherong darating sa mga bus terminal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments