Kasado na sa kamara ang pagdinig sa panukalang nasa 100 pesos na umento sa sahod para sa mga manggagawa mula sa private sectors.
Ang ilang manggagawa mula sa private sectors sa Dagupan City, umaasang inaprubahan ang nasa 100 pesos na umento sa kanilang sahod bilang makatutulong umano ito ng malaki pagdating sa kanilang pinansyal na pangangailangan.
Ayon naman sa pahayag ni Marikina Representative Stella Quimbo, sa magaganap na pagdinig ay inaasahan na ipapaliwanag ng mga Economic Managers ang epekto ng wage hike sa isyu ng posibleng pagbagsak ng Gross Domestic Product maging ang posibleng mataas na kawalan ng trabaho at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Samantala, simula sa Miyerkules, February 28, 2024, diringgin at tatalakayin na sa kamara ang naturang panukala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨