𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗣𝗛𝗘𝗡𝗢𝗠𝗘𝗡𝗢𝗡

Pinaghahandaan na rin ng ilang Dagupeños sa lungsod ng Dagupan ang ukol sa maaaring maidulot na epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa.

Ang ilan sa mga tindera sa Downtown area, siguraduhing maayos ang kanilang mga lilim o panlaban sa init sa oras na maranasan na ang peak ng el nino lalo at hindi rin umano maganda kung sasabay pa ang sakit na maaaring makuha mula sa sobrang init na panahon.

Ang ilang estudyante rin sinabing matagal na umano nilang nararanasan ang maalinsangang panahon lalo at maraming aktibidad ang kanilang isinasagawa kaya naman kanya-kanya umano silang baon ng tubig, payong, at pamalit na damit para maiwasan ang pagkakaroon ng ubo at sipon.

Ayon naman sa PAGASA Dagupan, partikular na mararanasan ang maalinsangang panahon sa mga buwan Marso hanggang Mayo kung saan may posibilidad na umabot sa 40 degrees celsius ang maitatalang minimum temperature.

Samantala, mainam na maagang ang pag-iingat ng publiko at malabanan ang mga sakit na maaaring maidulot ng el nino ayon sa Department of Health – Ilocos Center for Health and Development (DOH—CHD 1). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments