π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π——π—”π—šπ—¨π—£π—˜Γ‘π—’, π—‘π—”π—šπ—›π—”π—›π—”π—‘π——π—” 𝗑𝗔 π—₯π—œπ—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔π—₯π—œπ—‘π—š π— π—”π—œπ——π—¨π—Ÿπ—’π—§ 𝗑𝗔 π—˜π—£π—˜π—žπ—§π—’ π—‘π—š π—˜π—Ÿ π—‘π—œΓ‘π—’ π—£π—›π—˜π—‘π—’π— π—˜π—‘π—’π—‘

Pinaghahandaan na rin ng ilang DagupeΓ±os sa lungsod ng Dagupan ang ukol sa maaaring maidulot na epekto ng El NiΓ±o Phenomenon sa bansa.

Ang ilan sa mga tindera sa Downtown area, siguraduhing maayos ang kanilang mga lilim o panlaban sa init sa oras na maranasan na ang peak ng el nino lalo at hindi rin umano maganda kung sasabay pa ang sakit na maaaring makuha mula sa sobrang init na panahon.

Ang ilang estudyante rin sinabing matagal na umano nilang nararanasan ang maalinsangang panahon lalo at maraming aktibidad ang kanilang isinasagawa kaya naman kanya-kanya umano silang baon ng tubig, payong, at pamalit na damit para maiwasan ang pagkakaroon ng ubo at sipon.

Ayon naman sa PAGASA Dagupan, partikular na mararanasan ang maalinsangang panahon sa mga buwan Marso hanggang Mayo kung saan may posibilidad na umabot sa 40 degrees celsius ang maitatalang minimum temperature.

Samantala, mainam na maagang ang pag-iingat ng publiko at malabanan ang mga sakit na maaaring maidulot ng el nino ayon sa Department of Health – Ilocos Center for Health and Development (DOHβ€”CHD 1). |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments