𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗥𝗣𝗥𝗜𝗦𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗧𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗕𝗢

Nagpositibo ang ilang empleyado ng LGU Mangaldan matapos sumailalim sa isang mandatory drug testing noong ika-20 ng Mayo.

Umabot sa mahigit 500 empleyado ang sinuri ng Dangerous Drug Abuse Treatment and Prevention Program ng DOH-Ilocos Region sa kanilang drug intake, kung saan may ilang nagpositibo.

Samantala, hindi na pinangalanan ng lokal na pamahalaan ang mga nagpositibo at kung saan ang mga ito nakadestino upang mapangalagaan ang kanilang karapatan.

Gayunpaman, agarang sumailalim ang mga nagpositibo sa anim hanggang walong buwang rehabilitasyon sa pasilidad ng Region 1 Medical Center Drug Treatment and Rehabilitation Center. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments