𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗢𝗥𝗦, 𝗗𝗜𝗦𝗠𝗔𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗘𝗖𝗨𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗔𝗧 𝗟𝗘𝗚𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Muli na namang nagkainitan sa naganap na sesyon kahapon si Mayor Belen Fernandez at ilang miyembro ng majority councilors dahil sa nagpapatuloy na usapin sa nakabinbin pa ring supplemental budget.

Patuloy na kinukwesyon ng mayorya ang mga nilalaman ng supplemental budget, na pilit namang ipinapaliwanag ng alkalde dahil umano sa pagiging urgency ng mga ito.

Sa tulad ng mga ganitong pangyayari, may mga ilang investors umano ang nadidismaya na mag-lagak ng kanilang negosyo sa siyudad. Ayon sa alkalde, dismayado umano kasi ang mga ito sa pagpoproseso ng kanilang negosyo lalo na sa pakikipag-deal umano sa sanggunian.

Sa kabila nito binigyang diin naman ni Mayor Fernandez na nanatiling investor friendly ang siyudad at siniguro ang support ng investment and development board kung saan siya rin ang presiding officer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments