𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗣𝗛𝗔𝗦𝗘𝗢𝗨𝗧 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗧𝗢

Pangamba pa rin ng ilang mga jeepney operators sa Dagupan City ang jeepney phase-out sa ilalim ng PUV modernization program kahit pa kabilang na ang mga ito sa naconsolidate o may mga sinasalihan ng kooperatiba.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM news Team, maaaring hindi raw talaga sa ngayon maipatupad ang phaseout dahil mahihirapan daw ang concerned agencies maging mga PUV operators sa transitioning mula traditional sa modernized.
Bagamat nauna nang nilinaw ng pamunuan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi kabilang ang mga consolidated units sa mga ipapatigil ang pasada.

Ang mahalaga raw sa ngayon ay maconsolidate ang mga public utility vehicles at pagsasaalang alang ang taglay ng mga ito na road worthiness upang makapagpatuloy sa operasyon ng pamamasada.
Samantala, matatandaan na nasa sampung porsyento o katumbas ang dalawang daang pampublikong sasakyan sa Pangasinan ang wala pang kinabibilangang kooperatiba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments