Hindi madaanan ang ilang kakalsadahan sa Ilocos Region dulot ng Patuloy na nararanasan na epektong dala ni Bagyong Julian.
Ayon sa abisong inilabas ng Department of Public Works and Highways Region 1, sarado ang Brgy. Maan-anteng, Solsona, Ilocos Norte to Apayao Road dahil sa soil collapse.
Hindi rin passable sa mga light vehicles ang Pias-Curimao-Balacad Road sa Brgy. Pambaran, Paoay, Ilocos Norte dahil sa pagbaha. Ang Villa Verde Trail sa San Nicolas, Pangasinan, isang lane laman ang passable dahil sa naganap na landslide.
Sa pinakahuling ulat ukol sa Bagyong Julian, nananatiling nakataas sa Signal No. 2 ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte, habang Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Pinaalalahanan ang publiko na maging alerto sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨