Dumadaing ngayon ang ilang konsyumer sa Dagupan City ukol sa pagtaas ng presyo ng ilan sa produktong inaprubahan ng DTI tulad ng sardinas, sabon, at powdered milk.
Hirit ng ilan sa mamimili sa supermarket, ang sardinas na pang-masa kung ituring ay mukhang hindi na abot-kaya pa dahil dos hanggang tres pesos na pagtaas ng presyo nito.
Pati powdered milk na siyang patingi-tinging binibili ng ilan para makatipid, tumaas ng tres hanggang sais pesos ang presyo.
Sa taas pa rin umano ng kada kilo ng bigas, dapat sana ay muna umano sumabay ang pagtaas ng presyo ng mga naturang produkto dahil isa rin ang mga ito sa madalas na binibili nila bilang madalian at mas murang inihahain sa hapag.
Dahil dito, ang ilang konsyumer na may sari-sari store, mapipilitan umanong itaas ng presyo ng kanilang mga benta dahil sila naman umano ang lugi kung sakaling pareho lang din o maliit na tubo lamang ang ipapatong sa mga naturang produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨