𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗢𝗗𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦

Patuloy ang daing ng ilang konsyumer sa Dagupan City dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin ngayon.

Isa sa patuloy na dinadaing ng mga ito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas kung saan umabot na sa ₱57 pataas ang magandang kalidad o uri nito.

Pati rin ang patuloy na serye ng pagtaas ng presyo ng krudo kung saan ilang linggo na ring nararanasan ng mga jeepney drivers at operators.

Dumagdag pa umano ang pagtaas din ng presyo ng sardinas, gatas, at sabon na siyang kapapatupad pa lamang ng DTI.

Samantala, sa survey na inilabas ng Pulse Asia kamakailan, lumalabas na 73% ng mga pilipino ang hindi umano kuntento sa aksyon na ginagawa ng gobyerno para lutasin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin pati na serbisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments