𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Hirap pa rin ang ilang konsyumer sa pag budget ng kanilang gagastusin para sa nalalapit na holiday season kahit pa may ibinaba nang suggested retail price and DTI.
Ayon sa ilang konsumer, kahit pa nilabas na ang SRP para sa mga noche buena items ay hindi pa rin umano nila kakayanin ang pagsasakto sa kanilang budget para makabili ng sapat na kakailanganin nila para sa holiday season.
Nagiiba rin kasi umano ang presyo ng mga ito sa oras na bumagsak sa mga pamilihan bilang tubo na rin ng mga retailers at mga nagtitinda ng tingi-tingi.

Sa kabilang banda, inaasahan na rin ng ilang konsyumer ang kanilang mga bonus at 13th month pay para pandagdag sa gastusin sa buwan ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments